Posts

Bilang Magtatapos na Mag-aaral (Personal Narrative by Elen May Billones, 12 Humility)

Image
Sobrang saya lang isipin na pagkatapos ng halos 2 taon ay magtatapos narin ako. Masayang balik-balikan ang mga ala-alang nabuo sa nakalipas na 2 taon. Kung paano mas nalilok ang aking personalidad na mas maging malakas. Sa unang taon sa bagong paaralan, maraming mga emosyon ang nadarama merong saya, lungkot at lamang ang kaba dahil bagong papasukang paaralan, bagong mga kamag-aral na makakasalamuha, at higit sa lahat makakakilala ng mga bagong kaibigan. Sa panibagong yugto ng aking buhay ay dito nasukat ang aking kakayahan sa makipagkapwa tao.  Mahirap man sa umpisa, ngunit kalaunan ay nagiging madali nalang dahil sa gabay ng bagong mga kaibigan at mga guro. Oo inaamin kong isa sa mga kahinaan ko ang aking pagiging mahiyain, mahirap makisama at makisabay sa mga bago kong kaklase. Meron isang pagkakataon na gusto ko nang sumuko pero naalala ko andiyan ang diyos, kaya palagi akong nagdadasal na bigyan niya ako ng lakas upang malampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa buhay ko...